Monday, June 8, 2015

Financial Literacy: Ano ang DIVERSIFICATION?



"Do not put your eggs in one basket" 



Kung mapapansin ninyo ang larawan sa taas, yan ang simpleng ilustrasyon at depinisyon ng DIVERSIFICATION. Yung itlog, yan yung pera mo na pinaghirapan mo at yung basket ay yung investment na paglalagyan ng pera mo.



Ang DIVERSIFICATION  ay ang paglagay ng pera mo sa iba't-ibang investment para kung sakaling malugi ang isa, safe parin dahil posibleng kumikita ka parin sa iba.



Dapat maunawaan natin na ang lahat ng klase ng investment ay maaaring malugi.



Halimbawa, ang stock market ay bumagsak noong 2008 dahil sa global financial crisis. Damay narin diyan ang mutual funds dahil sa stocks din iniinvest ang Equity Mutual Funds. Sabihin nating naginvest ka rin sa Real Estate, damay pa rin yan dahil may bibili pa rin ba niyan matapos hagupitin ng bagyong Ondoy? Meron ding mga insurance company din na nalulugi at nababankrupt. Meron ding underperformance na VUL o (Variable Unit Linked). Kahit ang pinakamalaking bangko pwede ring malugi at magsara. Katulad na lang ng Lehman Brothers Holdings Inc., ito ang pang-apat sa pinakamalaking investment bank sa US per nagsara noong 2008 dahil sa bankruptcy.



ISIPIN MO NA LANG, ano gagawin mo kung pinasok mo lahat ng savings mo sa iisang investment vehicle lamang at bigla itong tinamaan ng malas? Kaya dapat laging mag-ingat. Dahil diyan, ang tamang Diversification Strategy ay mag-invest sa iba't-ibang assets na hindi related sa isa't-isa. Sa ganitong paraan, bumagsak, mabutas, o manakaw man ang isang basket nang hindi mo inaasahan, buo parin ang ibang itlog mo sa ibang basket.



Post lang kayo sa comment section sa ibabang bahagi nito kung mayroon man kayong komento, reaksyon at katanungan na gumugulo sa inyong isipan. Maraming salamat! Happy investing!


TANONG: May pera na ko, mag-iinvest na ba ako?
SAGOT:  Wag muna! ARAL MUNA BAGO INVEST. Mag-invest ka muna ng panahon at oras para pag-aralan ang lahat ng kailangan mong matutunan bago mo iinvest ang pera mo.



Back to HOME

1 comment: