Thursday, June 11, 2015

Financial Literacy: Ano ang MUTUAL FUND?

Ano nga ba ang MUTUAL FUND? Saan ba ito makukuha? Ano ba maidudulot nito sa ating buhay pinansyal? Risky ba ang mga ito?


Marami talagang investors ang walang oras, pasensya at kakayahang bantayan ang stock market. Para sa kanila, mas okay pang ipagkatiwala na lang nila ang kanilang pera sa isang expert na siyana ang bahalang didiskarte kung saan niya ito iiinvest. Ang expert na yan ay ang tinatawag na Fund Manager. Ang lahat ng pera na binibigay sa kanya ay nilalagay sa isang pondo. Ang pindong ito ay tinatawag na MUTUAL FUND. 



Ang MUTUAL FUND ay ang pinagsama-samang pera ng mga tao at kumpanya. Depende sa diskarte ng Fund Manager, iniipon ito at maingat na ilalagay sa iba't-ibang investments tulad ng stocks, bonds, money market, o ibang Mutual Funds mismo.




Kapag nag-invest ka sa Stock Market mag-isa, para kang nagmamaneho ng sarili mong kotse. Kung patungo ka sa landas ng pagyaman mo, pwede kang dumaan kung saan gusto mo. bahala kang magshort-cut, long-cut at magstop over. Diskarte mo na yan talaga. Pero kung sa Mutual Funds ka nag-invest, para kang sumakay sa jeep. May mga rota yan. Ibig sabihin hindi maaaring iinvest ang pera sa kung saan-saan. Maaari lang ito iinvest for certain things depende sa set-up ng fund. Di ba parang sa jeep, hindi sila pwedeng dumaan kung saan-saan. Syempre pag sumakay ka sa jeep, may fees. kailangan mo magbayad sa driver di ba? Parehas lang din sa Mutual Fund, kailangan mo magbayad ng fees sa Fund Manager na magtatrabaho sa pera mo.




TANONG: Bakit mutual fund?
SAGOT: Kung nahihirapan ka magdesisyon kung saan ka magiinvest, kung sa stocks ba o bonds, mas maiging pumasok sa mutual funds para bigay natin yung risk sa expert. Sa mutual funds may taga pili sa'tin kung anong magandang stocks o bonds na dapat bilhin at mura natin itong mapapasok.


TANONG: Magkano ba kailangan para makapasok sa mutual fund investing?
SAGOT: P5,000 lang pwede ka na magsimulang mag-invest tapos invest ka monthly.


TANONG: Obligado ba yan buwan-buwan? May penalty ba yan pag di ako nakahulog at biglang mawawala investment ko?
SAGOT: Hindi obligado na maghulog ka buwan-buwan. Walang penalty at di naman mawawala investment mo. Maganda gawin ito parang alkansya. Pag may kita ka maghulog ka. Kung empleyado ka naman, pwede ka maghulog buwan-buwan.


TANONG: Paano ito umpisahan? Madali lang ba ito?
SAGOT: Oo. Sa internet hanap ka lang ng kumpanya dito sa pilipinas na nag-ooffer ng mutual fund. Ang proseso at procedure para ka lng nagopen ng savings bank account. Tapos papipiliin ka sa tatlo kung saan mo gusto ilagay yung fund mo, kung sa Equity ba, Bond, o Balance.


TANONG: Ano ang Equity, Bond at Balance?
SAGOT: Pag Equity ang pinili mo, ang fund mo ay iiinvest sa stock market. Pag Bonds naman, ito yung government securities. Ang minimum price ng bonds ay P500,000 - P1,000,000. Ang Balance naman ay mixed ng Equity at Bond.



Magpost lang sa comment section sa ibabang bahagi nito kung may katanungan, komento, suhestyon, problema, agam-agam,  o gumugulo sa inyong isipan. Lagi tatandaan, ARAL MUNA, BAGO INVEST. wag magmadali, maginvest muna ng kahit konting oras at panahon para pag-aralan ang mga basic na dapat matutunan patungkol dito.. 


Happy investing!
Godbless!!


Back to HOME

No comments:

Post a Comment