Thursday, June 11, 2015

Financial Literacy: Ano ba ang STOCK MARKET?




Mahilig tayo manood ng balita sa TV, pero kapag napupunta na sa business news ang balita at pinaguusapan na ang stock market, nililipat na natin ang channel kasi wala tayong maintindihan sa mga pinagsasabi ng reporter, at kung ano ba yung mga numerong umaandar na may iba’t ibang kulay.


Ano Ba Ang Stock Market?

“The stock market is a place where shares of stock of publicly-listed companies are bought and sold.”
Paghimayin natin ang nasa itaas.
The stock market is a place… 
Ang stock market ay isang palengke na medyo sosyal. At gaya ng isang palengke, may mga tindero’t tindera rin dito. Pero imbes na karne, gulay, isda, at prutas ang paninda nila, ang mabibili mo dito ay ang tinatawag na stocks.


The Philippine Stock Exchange Trading Floor
The Philippine Stock Exchange Trading Floor

Dito sa atin, ang Philippine Stock Market ay matatagpuan sa Philippine Stock Exchange o PSE sa Ortigas at sa Makati. Dati, ang stock market ay para talagang palengke kasi nagsisigawan ang mga tao at kailangan nilang gumamit ng mga hand signals para magkaintindihan sila sa gitna ng mga sigawan. Pero computerized na sila ngayon kaya wala nang sigawan.
Ang PSE ay nagbubukas ng 9:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at magpapatuloy ito mula 1:30 hanggang 3:30 ng hapon.
…where shares of stock…
Ang stock ay isang bahagi ng pagmamay-ari o ownership sa isang kumpanya. Isa lang ang ibig sabihin ng stockshare, or shares of stock. Kapag ikaw ay bumili ng stocks sa isang kumpanya, ikaw ay magiging isa sa mga may-ari nito. Ang tawag sa’yo ngayon ay isangstockholder o shareholder. At bilang isa sa mga may-ari, ikaw ay makakakuha ng dividend o bahagi ng kita ng kumpanya. Ang stocks ay isa sa mga investment vehicles.
…of publicly-listed companies are bought and sold.
Ang mga publicly-listed na mga kumpanya lang ang pwedeng magbenta ng stocks. Para maging “public” ang isang kumpanya, kailangan nitong mag apply sa Philippine Stock Exchange. Ang PSE ang responsable sa screening ng kumpanya para matiyak na ito ay legal, may track record ng negosyo, at hindi bigla biglang mawawala. Sa ngayon, meron nang 288 na mga kumpanya ang nasa listahan ng PSE at dumadami ito bawat taon. Makikita mo ang listahang ito dito.
So, kapag may mabasa ka o marining na, “Company ABC goes public”, ang ibig sabihin nito ay nagbebenta na sila ng shares sa publiko. Pero bakit kailangan i-public ito ng company? Well, para magkaroon sila ng dagdag na puhunan para matugunan ang kanilang paglaki. Ang isang kumpanya na lumalaki ay lumalaki din ang gastos. Pwede silang mangutang sa bangko o kaya ay mag issue ng bonds (tinalakay ko ang bonds dito). Yun nga lang, madadagdagan ang gastusin nila dahil sa interest ng inutang nila. Para maiwasan nilang magkautang, maghahanap sila ngayon ng mga investors sa pamamagitan ng pagbebenta ng stocks.


How The Stock Market Works
How The Stock Market Works

Ang tawag naman sa mga tindero’t tindera ng stocks ay brokers o stockbrokers. Sila lang ang binigyan ng authority ng PSE para bumili at magbenta ng mga shares of stocks sa mga investors na katulad natin. Sa kanila lang tayo pwedeng bumili. May ilang kumpanya na binibigyan ang kanilang mga empleyado ng stock options bilang isa sa mga benefits nito, pero sa pangkalahatan, pwede ka lang bumili at magbenta ng stocks sa isang broker.
May dalawang klase ng brokers: ang live broker at ang online broker.
Live Broker
Ang live broker ay isang licensed professional na hahawak sa ‘yong mga stocks. S’ya ang tatawagan mo kapag may gusto kang bilhin o ibentang stocks.
Pro:
  • Pwede ka n’yang mabigyan ng payo tungkol sa iyong investment.
Cons:
  • Mas mataas ang transaction fees — up to 5% — dahil kasama dito ang komisyon.
  • At dahil may komisyon, meron itong minimum na investment requirement na pwedeng umabot sa ilang milyong piso.
Online Broker
Sa online broker naman, ikaw mismo ang bibili at magbebenta ng iyong mga stocks sa pamamagitan ng computer na may internet access.
Pros:
  • Sobrang baba ng transaction fees — for as low as 0.25%.
  • Pwede ka nang mag invest sa halagang P5,000.
  • Meron silang samut-saring mga reports at mga information sa bawat publicly-listed companies na makakatulong sa iyong desisyon kung saang mga kumpanya ka mag i-invest.
Con:
  • Ikaw mismo ang bibili o magbebenta ng iyong mga stocks, so kailangan mong mag aral ng kaunti.
Maraming online broker dito sa Pilipinas pero para sa akin, ang CitisecOnline ang the best. Sila kasi ang pinakamalaking online broker ngayon sa buong bansa. Marami silang mga research, reports, at mga information sa bawat kumpanya. Meron silang listahan ng mga kumpanyang nire-recommend nila para sa ating mga long-term investors. Meron din silang mga libreng seminar bawat linggo sa Ortigas kung paano mag invest sa stock market. Pwede mo rin silang imbitahan sa inyong probinsya para mag conduct ng seminar doon. But wait, there’s more! Ang CitisecOnline ay isa ring publicly-listed company, kaya pwede ka ring bumili ng stocks nila. Saan ka pa?!
Disclaimer: Hindi po ako empleyado o ahente ng CitisecOnline. Hindi rin ako binabayaran (wish ko lang! hahaha) para i-recommend ko sila sa inyo. Isa lang akong happy and satisfied customer ;)

Paano Ka Kikita Sa Stock Market?

Bilang isang long-term investor, may dalawang paraan para ikaw ay kumita sa stock market. Ito ay ang mga sumusunod:
Dividends
Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, ang dividend ay kita ng isang kumpanya na ipinamamahagi sa mga stockholders. Dahil sa dividend, ang iyong investment sa stock market ay maituturing na isang passive income (tinalakay ko ang passive income dito). Your money grows without you doing anything! Ang galing ‘di ba?
Capital Gains
Kapag ang isang kumpanya ay lumalaki, ang presyo ng bawat share nito ay tumataas din.
Halimbawa:
JollibeeNoong 2003, bumili si Juan ng 50 stocks sa Jollibee. Noong time na ‘yon ang presyo bawat share ay nasa P20. So ang total investment ni Juan ay:
50 stocks x P20 = P1,000
Dahil patuloy sa paglaki ang Jollibee, ang presyo ngayon ng bawat share nila ay umabot na sa P140 (as of June, 2013). Kung ibebenta ni Juan ang lahat ng share nya sa Jollibee, ang makukuha n’ya ngayon ay:
50 stocks x P140 = P7,000
Kumita s’ya ng anim na libo. At take note, hindi pa kasama d’yan ang dividend at ang Compound Annual Growth Rate (may example ako ng CAGR dito) sa kanyang investment na P1,000!

Hindi Ba Delikado Ang Stock Market?

“Nilagay mo sa stock market ang pera mo? Ay, Dios mío, ¿por qué? “, sabay nag-antanda ang kaibigan kong Spanish bread. Maraming natatakot mag invest sa stock market. Kapag ang isang tao ay nag invest dito, ang tingin sa kanya ng karamihan ay suicidal or katulad n’ya si Bab Marley (si Bab ay isang taong grasa na madalas kong makita sa palengke ng Angono. Meron pang isa na lagi naming nakikita kapag nagba-bike kami ni Hubby sa highway, si Nikki Minaj).
Sa katunayan,
“80% of stock market players lose their money.”
Maraming tao ang namulubi dahil sa stock market. Hindi lang ilang milyong piso kundi bilyon ang nawala sa kanila. Alam n’yo ba kung bakit? Because they are trading at the stock market, not investing in the stock market. Malaki ang pagkakaiba ng dalawa!
Trader
Ang isang trader ay bumibili ng mga stocks at pagkatapos ay ibebenta ang mga ito sa loob lamang ng isa or ilang araw. Nakabantay sila lagi sa fluctuation o pagbaba at pagtaas ng presyo ng bawat stocks. Kapag bumaba ang presyo, bibili sila. Kapag tumaas, magbebenta sila. Ang trading sa stock market ay parang sugal. Kung wala kang alam tungkol sa technical analysisfundamental analysisindicators, at kung anek anek pa, para mo na ring ipinamigay ang pera mo sa stock market. Pero kung ikaw ay may alam at magaling sa mga ito, may posibilidad na ikaw ay maka-jackpot.
Investor
Ang isang investor ay bumibili ng mga stocks at ibebenta lamang ito pagkalipas ng 5 hanggang 20 taon. Minsan, mas matagal pa doon! Dito tayo nabibilang. Tayo ay mga long-term investors. Bumaba man o tumaas ang presyo sa stock market, wala tayong pakialam. Deadma. Si Warren Buffet — the richest man the stock market has ever made — ay isa ring long-term investor.
Lahat naman ng klase ng investment ay may kaakibat na risk. Gaano ito kalaki o kaliit ay depende sa kaalaman mo sa iyong piniling investment. Kung wala kang alam sa pinasok mo, malaki ang risk. Kung may sapat kang kaalaman sa pinasok mo, mas kaunti ang risk. Pagdating sa stock market, bawal ang pacham (patsamba-tsamba) at walang beginner’s luck. Lahat dito ay pinag-aaralan. Kaya basahin mo lahat ng posts ko, chause!
On my next post, tatalakayin ko naman sa inyo ang iba’t ibang pamamaraan o estratehiya ng pag invest sa stock market. Pero bago ‘yon, gusto kong ipaliwanag ang ilan sa mgaterms na may kinalaman sa stock market, gaya ng:
Portfolio


A sample of a portfolio
A sample of a portfolio (© COLFinancial.com)

Ang portfolio ay ang listahan ng mga binili mong stocks. Ang nasa itaas ay ang aking portfolio noong nagsisimula pa lang ako. Makikita mo dito ang presyo ng stock sa araw na ‘yon (Market Price), kung ilan ang stocks na meron ka sa bawat companya (Total Shares), ang iyong paper gain at paper loss (Gain/Loss), at iba pa. Ipapaliwanag ko ang mga ito ng mas detalyado in the future.
Paper Loss
Ang “paper loss” ay nangyayari kapag ang kasalukuyang presyo ng isang stock ay bumaba sa presyo ng pagkabili mo dito. Kung titingnan mo ang portfolio ko sa itaas, meron akong paper loss sa Lafarge at Megaworld.
Noong bumili ako sa Lafarge, ang presyo ng stock nila ay nasa P11.01 (Average Price) pero ang presyo nito (Market Price) sa kasalukuyan ay nasa P10.90.
“Paper loss becomes an actual loss when you sell it.”
Hangga’t hindi ko ipagbili ang stocks ko sa Lafarge, ang pagkalugi ko ay nasa “papel” lang. Magiging totoong lugi lamang ito kapag ito ay ipinagbili ko na.
Ang paper gain naman ay ang kabaligtaran ng paper loss. Magiging actual na kita lamang ito kapag ipinagbili na ang stocks.
PSE Index o PSEi


The PSE Index Graph
The PSE Index Graph (©COLFinancial.com)

Ang Philippine Stock Exchange Index o PSEi ay ang pangkalahatang indikasyon sa “kalusugan” ng Philippine stock market. Sinusukat nito ang overall performance ng mga publicly-listed companies sa iba’t ibang industriya. Ginagamit din ito bilang isa sa mga indikasyon sa pangkalahatang estado ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kapag mataas ang PSEi, malakas ang merkado sa pangkalahatan. Ibig sabihin, paakyat ang presyo ng mga stocks. At kapag paakyat ang presyo, tiba tiba tayong mga long-term investors.
Kapag mababa naman ang PSEi, mahina ang merkado sa pangkalahatan. Ibig sabihin, pababa ang presyo ng mga stocks. At kapag mababa ang presyo, masaya pa rin tayo dahil mas maraming mabibiling stocks ang ating kaperahan. SALE! ‘ika nga.
Board Lot
Ito ay ang minimum na bilang ng shares na pwedeng mabili ng isang investor. Ang isang board lot ay karaniwang binubuo ng 100 shares, pero may mga kumpanya na may 5, 50 o 1,000 stocks sa isang board lot. Usually, ito ay nasa multiple of 5 or 10.
Ang board lot ay ginawang standard para maiwasan ang “odd lot” at para maging mas mabilis at madali ang pagbebenta ng mga stocks. Mas madaling hanapan ng buyer ang ipinagbibiling 100 shares kesa sa 17 shares.
Odd Lot
Kapag ang share ay mas mababa sa isang board lot, ang tawag dito ay odd lot. Ang isang investor na gustong mag invest sa isang kumpanya pero hindi nya kaya ang presyo ng isang board lot, ay pwedeng bumili ng shares sa pamamagitan ng odd lot. May mga kumpanya din na nagbibigay ng dividend in the form of stocks kaya ang portfolio ng isang shareholder ay pwedeng maging uneven at ito ay nagiging odd lot.
Kung ipagbibili mo ang iyong shares bilang odd lot, medyo mas mataas ang transaction fee nito kumpara sa board lot.
Ticker


The Ticker
The Ticker

Ang ticker ay ang madalas na nakikita natin sa ibaba ng TV screen kapag nanonood tayo ng business news. Ito yung umaandar na mga letters at numbers na may iba’t ibang kulay. Ipinapakita dito ang kasalukuyang presyo at performance ng mga publicly-listed companies.
Ang sumusunod ay mga bagay na karaniwang nakikita sa isang ticker:
Ticker Symbol
Ito ang simbolo ng stock. Binubuo ito ng isa hanggang apat na letra.  Ang ilan sa mga kilalang ticker symbol ay:
  • BDO – Banco De Oro Unibank, Inc.
  • JFC – Jollibee Foods Corporation
  • TEL – Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT)
  • MER – Manila Electric Company (MERALCO)
Traded Quantity
Ito ay ang dami ng stocks na binili at ipinagbili sa loob ng isang trading day. Sa sample ticker na nasa itaas, ang traded quantity ay nasa gitnang row katabi ng net price change.
Net Price Change
Ang net price change ay ang pinagbago ng presyo ng stock mula kahapon (yesterday’s closing) hanggang ngayon. Ang net price change ay pwedeng ipakita in peso or in percent.
Kalimitan, ito ay may kasamang arrow:
  • Up arrow – tumaas ang presyo ng stock mula kahapon
  • Down arrow – bumaba ang presyo mula kahapon
  • Sideways arrow – walang pinagbago sa presyo
at minsan naman ay kulay:
  • Green – tumaas ang presyo ng stock mula kahapon
  • Red – bumaba ang presyo mula kahapon
  • Blue – walang pinagbago sa presyo
Stock Price
Ito ang kasalukuyang presyo ng isang stock. Kung titingnan mo ang sample ticker sa itaas, ito yung nasa ibabang numero.

Financial Literacy: Bakit ka mag-iinvest?

Importante ang pagkakaroon ng layunin o goal para maging successful ang isang investment. Kailangan meron kang time frame. Dapat alam mo kung hanggang kelan ka mag i-invest bago mo ito kailanganin.
Ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang layunin. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa pinaka importanteng layunin ni Juan:

Talunin Ang Inflation

Nakakatuwang isipin na walo sa bawat sampung Juan ay may savings account sa bangko. Pero nakakalungkot ding isipin na isa lang sa bawat sampung Juan ang marunong mag invest.
Ang binibigay na interest ng bangko bawat taon ay 2% to 3.5% lamang. It does not beat the 5.5% average inflation.
Ito ang dahilan kung bakit ang mayaman ay lalong yumayaman, at ang mahirap ay lalong naghihirap. Kulang sa kaalaman ang karamihan sa atin kung paano mapapalago ang ating kita, nang sa ganon ay matalo natin ang inflation.
Alam n’yo ba na…
“Only 1% of Filipinos are investing in the stock market.”
Ang 99% sa atin ay nag iimpok lang sa bangko o nag i-invest sa iba’t ibang investment vehicles. ‘Yung iba, tumataya sa lotto na hindi naman maituturing na investment. Ito ay sugal.
Ngayon, kung 1% lang sa ating mga Pinoy ang nag i-invest sa stock market, napakalaki ng potential dito na lumaki ang iyong pera ng higit pa sa inflation rate! Ayaw mo maniwala? Pwes, tingnan mo itong graph sa ibaba.

Advantage of the stock market for long-term investment
Advantage of the stock market for long-term investment

Makikita mo sa graph na ito ang Compound Annual Growth Rate or CAGR ng iyong pera kapag ito ay ininvest mo sa stock market (PSEi), treasury bills (T-Bills) at iba pang bonds.
Halimbawa: Kung simula noong January 2012 ikaw ay nag invest ng P5,000 bawat buwan, at itutuloy mo ito sa loob ng 5 years (hanggang December 2016)…
Sa isang taon, ikaw ay nakapag invest ng: P5,000 x 12 = P60,000
Sa loob ng 5 years, ang total investment mo ay: P60,000 x 5 = P300,000
Dahil sa CAGR, tumubo ang iyong pera ng higit sa P100,000! Isipin mo na lang kung gaano kalaki ang ilalago ng pera mo sa loob ng 10 years. Mga 1.7M lang naman, ‘teh! Kaya bang kitain ‘yan ng savings account mo sa bangko?

Pang College Ng Mga Bata

Lahat ng magulang ay gustong matulungan ang kanilang mga anak na makamit ang kanilang mga pangarap. Ang problema, napakamahal na ng quality education dito sa Pilipinas. 
Hindi ko na kayo bibigyan ng graph o mga computation dahil siguradong may idea na kayo kung magkano ang tuition fee sa college. At alam n’yo din na halos taon taon ay tumataas ito.
Kung magsisimula kayong mag invest habang maliliit pa ang inyong mga anak, sigurado akong matutupad ang mga pangarap nila para sa kanilang sarili, at para sa kanilang mga magulang.

Makamit Ang Pangarap

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng lupa’t bahay, sasakyan, makapag bakasyon sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas o sa ibang bansa, at magkaroon ng negosyo. Pero paano natin ito makakamit kung halos walang natitira sa pera natin dahil sa dami at mahal ng gastusin araw araw?
‘Yung iba, nag lo-loan o umuutang sa bangko, sa Pag-IBIG, sa Bombay, at sa kung saan saan para lang makamit kaagad ang pinapangarap. Impatient much, ‘teh? Hindi naman masama ang mag apply ng loan. Pero dapat ito ay pinag-iisipan, pina-plano, o pinag-aaralan ng mabuti; dapat ay meron kang fixed na income bawat buwan; at dapat ay meron kang stable na trabaho.
Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa future. Paano kung matanggal ka sa trabaho? Saan ka kukuha ng pang hulog mo sa iyong inutang na lupa’t bahay? Kung hindi ka makapag hulog, may posibilidad na kunin ng bangkong pinagkakautangan mo ang iyong pinaghirapang bahay. Bakit? dahil ito ay utang. Hindi ito lubusang mapapasayo hangga’t hindi mo pa ito nababayaran ng buo, kasama ng interest.
Kung i-invest mo ang pera mo, pwede kang makabili ng lupa’t bahay sa mas maikling panahon kesa sa kung huhulugan mo ito. Mababayaran mo pa ito ng cash. Wala kang utang, walang patong na interest, at pwede ka pang makahingi ng discount!

Mag Ipon Para Sa Retirement

Kapag ikaw ay nag retire, ang regular na kita mo ay titigil pero ang gastusin sa pang araw araw ay hindi. Kapag wala ka nang kinikita,  sino ang mag po-provide sa iyong mga pangangailangan? Ang iyong mudra, shopatid, o junakis?
Gusto mo bang malaman kung magkano ang kakailanganin mo para mapanatili mo ang iyong lifestyle sa ngayon, kapag ikaw ay nag retire? ‘Eto s’ya…
Inflation Factor
1. Magkano ang ginagastos mo sa isang buwan para lang sa iyong basic living expenses (food, shelter, transportation, utility bills, etc.)?
2. Ilang taon ka pa magtatrabaho bago ka mag retire?
3. I-multiply mo ang iyong sagot sa #1 sa katumbas na inflation factor na nasa table. Ang factor na ito ay ang epekto ng inflation sa iyong basic living expenses.
Halimbawa: 35 years old na ako ngayong 2013. Kung gusto ko mag retire sa edad na 60, meron pa akong 25 years para mag trabaho. Ang ginagastos ko sa isang buwan para sa living expenses ay nasa P20,000.
So, para ma-maintain ko ang aking lifestyle kapag ako ay nag retire, kakailanganin ko ng:
P20,000 x 3.6 = P72,000 bawat buwan!
P72,000 x 12 = P864,000 bawat taon!
Kung ikaw ay kasing edad ko, saan mo hahagilapin ang P72,000 buwan buwan kung wala nang income na pumapasok? At take note, living expenses pa lang ‘yan. Hindi pa d’yan kasama ang iba pang mga gastusin gaya ng gamot sa rayuma at adult diaper hehehe.
Kaya bang sagutin ‘yan ng pension mo? At yung perang makukuha mo kapag ikaw ay nag retire, gaano katagal ang aabutin nito bago maubos?
“Ang average life span ng mga Pinoy sa ngayon ay 85 years old.”
Nasa kultura nating mga Pinoy na alagaan ang ating mga magulang kapag sila ay “tanders” na at hindi na kayang alagaan ang kanilang mga sarili. Isa ito sa mga bagay na proud ako as a Filipino.
Pero tandaan mo na by the time na senior citizen ka na, ang mga anak mo ay may kanya kanya nang pamilya. Ang kinikita nila na dapat ay napupunta sa iyong mga apo ay nababawasan pa para maalagaan ka. Gusto mo ba talagang maging pabigat sa iyong mga anak?
Kung ikaw ay nag invest para sa iyong retirement, masaya kang maaalagaan ng iyong mga anak habang kapiling ang iyong mga apo, at hindi ka pabigat sa kanila dahil ikaw ay may sariling pera.

Makalaya Sa Kahirapan

Merong dalawang klase ng kita, ang Active Income at Passive Income.
Active Income: Ito ay ang iyong trabaho o ang kita ng iyong negosyo. Kasama dito ang iyong sahod, kita, tip, o bonus. Kailangan mong magtrabaho para ikaw ay kumita. No work, no pay.
Passive Income: Ito naman ay ang pera mong nagtatrabaho para sa’yo. Kasama dito ang iyong investment at kita sa pinapaupahan mong bahay o pwesto. Kahit tumigil ka sa pag trabaho, kumikita ka pa rin.
Ang passive income ay ang goal natin kung bakit tayo mag i-invest. Ito ang susi para makalaya sa kahirapan. Kapag nakapag invest ka na ng sapat na pera, hindi mo na kailangang mag trabaho pa dahil ang passive income mo na ang sasagot sa iyong lifestyle expenses.
At kung hindi mo na kailangan mag trabaho, marami ka nang oras para gawin ang mga gusto mo sa buhay gaya ng:
  • Makipag laro sa mga apo
  • Mag travel sa kung saang lupalop ng mundo
  • Mag alaga ng mga halaman, mag paint, mag cross stitch, at kung ano pang mga hobbies
  • Mag ballroom kasama ng iyong mga amiga
  • Mag tayo ng charity para makatulong sa mga nangangailangan
  • Mag fund raising para sa iyong charity
  • Mag Facebook ng walang humpay
  • Panoorin lahat ng mga telenovela ng lahat ng channels
Kapag na achieve mo na ito, ikaw ngayon ay nasa posisyon para tulungan ang ibang tao na marating ang kinaroroonan mo. Ang sarap isipin, ‘di ba?



Financial Litercy: Ano ang INVESTMENT?

So ano ba ang ibig sabihin kapag ikaw ay nag invest? Well, investing means…

“The act of committing money or capital to an endeavor with the expectation of obtaining an additional income or profit.”

Ahh, nosebleed! Sa madaling salita, ito ay ang puhunang pera o capital na ilalagay mo sa isang bagay — gaya ng negosyo, real estate, mutual funds, stocks, at iba pa — para ito ay lumago.

Ang paborito kong definition ng investing ay ito:

“Investing means putting your money to work for you.”

‘Di ba ang taray? Ang pera mo ang magtatrabaho para sa’yo. Karamihan sa atin ay nagtatrabaho para kumita. Kung gusto mong madagdagan ang kita mo, kailangan mong mag overtime sa trabaho. Ang problema, may limitasyon kung hanggang ilang oras ka lang pwede mag trabaho sa isang araw. Kapag ganito ang seste, ano ang silbi ng maraming pera kung wala ka namang panahon para ma-enjoy ito?

Dito ngayon papasok ang investing. Kapag pinagtatrabaho mo ang iyong pera, pinapalago mo ang iyong kita habang ikaw ay nagtatrabaho; habang ikaw ay nakasakay sa jeep; habang ikaw ay natutulog; at habang ikaw ay nag fe-facebook.

Eh paano mo nga ba pagtatrabahuin ang pera mo? Well, ilalagay mo ang iyong hard-earned money sa mga tinatawag na investment vehicles gaya ng:

Stocks

Kapag bumili ka ng stocks o shares ng isang kumpanya, ikaw ay magiging part owner nito. Ibig sabihin, isa ka na sa mga may-ari o stockholder (pwede ring shareholder) ng kumpanya. At bilang part owner, makakakuha ka ng bahagi sa profits o kita ng kumpanya. Ang tawag dito ay dividend. In my case, isa ako sa mga may-ari ngayon ng Jollibee. Oh, say mo? hihihi

Pros:

Kumpara sa ibang investment vehicles, malaki ang potential na lumaki ng iyong pera dito.
May bonus kang kita dahil sa dividend.
Pwede kang bumili ng stocks ng iba’t ibang kumpanya. Ang tawag dito ay diversification.
Cons:

Ang presyo ng bawat share ay nagbabago araw araw, kaya pwede kang malugi o kumita araw araw.
Hindi lahat ng kumpanya ay nagbibigay ng dividend.
Kapag malugi ang isang kumpanya kung saan ay isa ka sa mga stockholders, may posibilidad na mawala din ang iyong investment.
Bonds

Kapag bumili ka ng bond, ikaw ay nagpapahiram ng pera sa isang kumpanya o sa isang government. In return, babayaran ka nila ng interest at sa kalaunan ay babayaran nila ang halagang pinahiram mo. Para ka lang nagpa 5/6 sa kanila, ganyan, hehehe.

Pros:

Kumpara sa stocks, mas safe at stable ang bonds.
Halos risk-free ito.
Cons:

Kaunti lang din ang potential na kikitain mo dito dahil mas mababa ang interest rate ng bonds.
Malaking pera ang kailangan dito para makabili ng bond. Hindi naman uutang ang gobyerno ng P5,000 lang, ‘di ba?
Mutual Funds

Sabi ni Bro. Bo Sanchez ng Truly Rich Club, ang mutual fund ang pinaka basic na investment vehicle.

Kapag bumili ka ng mutual fund, nakiki-ambag ka sa ibang mga investors para makalikom ng sapat na pera. Ang perang ito ay ibibigay n’yo sa isang fund manager na s’ya namang pipili kung saang investment vehicles n’ya ito ilalagay.

Pros:

Perfect ito sa mga taong walang oras at totally walang alam tungkol sa investing, pero gusto nilang mag invest.
Ang pera mo ay naka invest sa iba’t ibang investment vehicles.
Cons:

Bahagi ng binabayad mo sa mutual fund ay napupunta sa fund manager bilang komisyon nito at sa kung anek anek pang fees.
Wala kang control sa iyong investment dahil ang fund manager ang gumagawa ng lahat ng desisyon.
Real Estate, negosyo, at iba pa

Marami pang ibang investment vehicles out there. Hindi pa ako nakapag invest sa mga nabanggit ko sa itaas, maliban na lang sa stocks. Sa ngayon, I have only invested in the Philippine Stock Market, so ito pa lang ang kaya kong ituro sa inyo. Ayokong ituro yung mga bagay na ako mismo ay walang alam kasi magmumukha lang akong shunga, ‘di ba?

Tandaan, lahat ng nabanggit ko sa itaas ay may kanya kanyang risks, advantages, at disadvantages. Kahit saang investment vehicle ka mag invest, ‘wag mong kalimutan na kaya tayo nag i-invest ay para magtrabaho ang pera natin para madagdadan ang ating kita. Bago kayo pumasok sa isang investment, make sure na alam at naintindihan ninyo ang lahat ng tunkgol dito. Mag basa, mag aral, at mag tanong. Dapat ikaw ay tunay na Filipi-Know!

Anyway, ang kakampi mo sa investing ay ang oras at kailangan mo ng mahabang pasensya. Gusto ko lang e-emphasize na ang pag i-invest ay hindi isang get-rich-quick scheme. Hindi ka agad yayaman kinabukasan o next month. Taon ang bibilangin bago mo makuha ang “ani” sa iyong investment. Kaya nga mas maganda na mag invest habang ikaw ay bata pa, dahil mahaba pa ang oras at panahon para mapalago ang  pera mo. Kung kaya mo nang mag invest kahit fetus ka pa lang, go! At kung wala ka namang pasensya, mag Candy Crush ka na lang, chause!

Ngayong darating na buwan ng September, 35 years old na ako. Malaki ang panghihinayang ko kasi ngayon ko lang natutunan ang tungkol sa investing. Pero okay lang, kasi mahaba pa naman ang buhay ko. Ang average life span ng mga Pinoy sa ngayon ay 85 years old, so may time pa ako. ‘Di ba, Lord? hihihi

So ano, malinaw na ba sa inyo? Kung hindi pa, mag  question and answer portion tayo.

Question: Kapag nag pundar ka ng P2,000 para magtayo ng isang sari-sari store, investment ba ito?
Answer: Oo, dahil kapag maganda ang pamamalakad mo sa iyong sari-sari store ay tiyak na lalago ang P2,000 mo.

Question: Kapag bumili ka ng latest model ng iPhone sa halagang P35,000, investment ba ito?
Answer: Hindi, dahil ang cellphone — gaya ng ibang mga gamit — ay naluluma. Kung ibebenta mo ito matapos mong gamitin ng ilang buwan, hindi mo na mababawi ang P35,000 mo. Plus, gagastos ka pa para sa load.

Question: Kapag palagi kang tumataya sa lotto, investment ba ito?
Answer: Hindi, dahil wala kang kasiguraduhan na mananalo ka. Ang tawag d’yan ay sugal.

Question: Investment bang maituturing ang Savings Account mo sa bangko?
Answer: Hindi, dahil ang average interest rate na binibigay sa’yo ng bangko bawat taon ay 3.5% lang. Ang average inflation rate ng Pilipinas ngayon ay nasa 5.5% kada taon. So, kinakain lang ng inflation ang kinikita mo sa bangko. Ano kamo ang inflation? Ipinaliwanag ko ‘yan dito.





back to HOMEPAGE

Financial Literacy: Ano ang MUTUAL FUND?

Ano nga ba ang MUTUAL FUND? Saan ba ito makukuha? Ano ba maidudulot nito sa ating buhay pinansyal? Risky ba ang mga ito?


Marami talagang investors ang walang oras, pasensya at kakayahang bantayan ang stock market. Para sa kanila, mas okay pang ipagkatiwala na lang nila ang kanilang pera sa isang expert na siyana ang bahalang didiskarte kung saan niya ito iiinvest. Ang expert na yan ay ang tinatawag na Fund Manager. Ang lahat ng pera na binibigay sa kanya ay nilalagay sa isang pondo. Ang pindong ito ay tinatawag na MUTUAL FUND. 



Ang MUTUAL FUND ay ang pinagsama-samang pera ng mga tao at kumpanya. Depende sa diskarte ng Fund Manager, iniipon ito at maingat na ilalagay sa iba't-ibang investments tulad ng stocks, bonds, money market, o ibang Mutual Funds mismo.




Kapag nag-invest ka sa Stock Market mag-isa, para kang nagmamaneho ng sarili mong kotse. Kung patungo ka sa landas ng pagyaman mo, pwede kang dumaan kung saan gusto mo. bahala kang magshort-cut, long-cut at magstop over. Diskarte mo na yan talaga. Pero kung sa Mutual Funds ka nag-invest, para kang sumakay sa jeep. May mga rota yan. Ibig sabihin hindi maaaring iinvest ang pera sa kung saan-saan. Maaari lang ito iinvest for certain things depende sa set-up ng fund. Di ba parang sa jeep, hindi sila pwedeng dumaan kung saan-saan. Syempre pag sumakay ka sa jeep, may fees. kailangan mo magbayad sa driver di ba? Parehas lang din sa Mutual Fund, kailangan mo magbayad ng fees sa Fund Manager na magtatrabaho sa pera mo.




TANONG: Bakit mutual fund?
SAGOT: Kung nahihirapan ka magdesisyon kung saan ka magiinvest, kung sa stocks ba o bonds, mas maiging pumasok sa mutual funds para bigay natin yung risk sa expert. Sa mutual funds may taga pili sa'tin kung anong magandang stocks o bonds na dapat bilhin at mura natin itong mapapasok.


TANONG: Magkano ba kailangan para makapasok sa mutual fund investing?
SAGOT: P5,000 lang pwede ka na magsimulang mag-invest tapos invest ka monthly.


TANONG: Obligado ba yan buwan-buwan? May penalty ba yan pag di ako nakahulog at biglang mawawala investment ko?
SAGOT: Hindi obligado na maghulog ka buwan-buwan. Walang penalty at di naman mawawala investment mo. Maganda gawin ito parang alkansya. Pag may kita ka maghulog ka. Kung empleyado ka naman, pwede ka maghulog buwan-buwan.


TANONG: Paano ito umpisahan? Madali lang ba ito?
SAGOT: Oo. Sa internet hanap ka lang ng kumpanya dito sa pilipinas na nag-ooffer ng mutual fund. Ang proseso at procedure para ka lng nagopen ng savings bank account. Tapos papipiliin ka sa tatlo kung saan mo gusto ilagay yung fund mo, kung sa Equity ba, Bond, o Balance.


TANONG: Ano ang Equity, Bond at Balance?
SAGOT: Pag Equity ang pinili mo, ang fund mo ay iiinvest sa stock market. Pag Bonds naman, ito yung government securities. Ang minimum price ng bonds ay P500,000 - P1,000,000. Ang Balance naman ay mixed ng Equity at Bond.



Magpost lang sa comment section sa ibabang bahagi nito kung may katanungan, komento, suhestyon, problema, agam-agam,  o gumugulo sa inyong isipan. Lagi tatandaan, ARAL MUNA, BAGO INVEST. wag magmadali, maginvest muna ng kahit konting oras at panahon para pag-aralan ang mga basic na dapat matutunan patungkol dito.. 


Happy investing!
Godbless!!


Back to HOME

Monday, June 8, 2015

Financial Literacy: Ano ang DIVERSIFICATION?



"Do not put your eggs in one basket" 



Kung mapapansin ninyo ang larawan sa taas, yan ang simpleng ilustrasyon at depinisyon ng DIVERSIFICATION. Yung itlog, yan yung pera mo na pinaghirapan mo at yung basket ay yung investment na paglalagyan ng pera mo.



Ang DIVERSIFICATION  ay ang paglagay ng pera mo sa iba't-ibang investment para kung sakaling malugi ang isa, safe parin dahil posibleng kumikita ka parin sa iba.



Dapat maunawaan natin na ang lahat ng klase ng investment ay maaaring malugi.



Halimbawa, ang stock market ay bumagsak noong 2008 dahil sa global financial crisis. Damay narin diyan ang mutual funds dahil sa stocks din iniinvest ang Equity Mutual Funds. Sabihin nating naginvest ka rin sa Real Estate, damay pa rin yan dahil may bibili pa rin ba niyan matapos hagupitin ng bagyong Ondoy? Meron ding mga insurance company din na nalulugi at nababankrupt. Meron ding underperformance na VUL o (Variable Unit Linked). Kahit ang pinakamalaking bangko pwede ring malugi at magsara. Katulad na lang ng Lehman Brothers Holdings Inc., ito ang pang-apat sa pinakamalaking investment bank sa US per nagsara noong 2008 dahil sa bankruptcy.



ISIPIN MO NA LANG, ano gagawin mo kung pinasok mo lahat ng savings mo sa iisang investment vehicle lamang at bigla itong tinamaan ng malas? Kaya dapat laging mag-ingat. Dahil diyan, ang tamang Diversification Strategy ay mag-invest sa iba't-ibang assets na hindi related sa isa't-isa. Sa ganitong paraan, bumagsak, mabutas, o manakaw man ang isang basket nang hindi mo inaasahan, buo parin ang ibang itlog mo sa ibang basket.



Post lang kayo sa comment section sa ibabang bahagi nito kung mayroon man kayong komento, reaksyon at katanungan na gumugulo sa inyong isipan. Maraming salamat! Happy investing!


TANONG: May pera na ko, mag-iinvest na ba ako?
SAGOT:  Wag muna! ARAL MUNA BAGO INVEST. Mag-invest ka muna ng panahon at oras para pag-aralan ang lahat ng kailangan mong matutunan bago mo iinvest ang pera mo.



Back to HOME